"Halos isang daang opisyal at mga tauhan nito ang nagsanay sa US upang mapagyaman ang kanilang kakayanan sa iba't-ibang navigational at war-fighting equipment ng barko," sabi ni Capt. Baldovino, commanding officer ng PF16.
Matatandaang dumating din sa Pilipinas noong 2011 ang BRP Gegorio Del Pilar (PF15) na kaparehong high endurance cutter class ng BRP Alcaraz (PF16). Ang dalawang barko ay ilan lamang sa mga naval assets na naaprubahang bilhin ng Pilipinas para sa modernisasyon ng ating Hukbong Dagat.
No comments:
Post a Comment