Sunday, June 16, 2013

Mga Mandaragat at Mandirigma ng Hukbong Dagat

Ang mga mandaragat at mandirigma ng Hukbong Dagat ng Pilipinas ay nakaantabay 24 oras. Wala silang weekend, walang holiday. Anumang oras, may bagyo man, sakuna, kalamidad, kaguluhan o nasa gitna man ng kasiyahan, wala silang takot na sasabak sa kanilang misyon dahil ito’y kanilang sinumpaan. Mahal man nila ang kanilang pamilya, minsan pangalawang prayoridad lamang ito dahil mas nananaig sa kanila ang tawag ng katungkulan. Lagi silang umaalalay sa inyo sa panahon man ng kapayapaan, kaguluhan, kalamidad at kahit sa kasiyahan. Sa kakapiranggot nilang suweldo, buhay nila ang nakasalalay. Sumusuweldo man sila mula sa inyong mga binabayad na buwis, sinusuklian naman nila ito ng kanilang buhay. Naghahari sa kanilang puso ang paglilingkod sa mamamayan. Minsan iniuugnay sila sa katiwalian pero patuloy lamang silang nagseserbisyo para sa bayan. Anumang paninira ang ipukol sa kanila, di matitinag ang kanilang katapatan sa watawat at konstitusyon dahil ang kanilang dignidad ay hinubog ng panahon at makulay na tradisyong pinagtibay ng kanilang mahabang pagsasanay, paniniwala sa Diyos at ng pagtitiwala ng mga mamamayan. /Manny Fernando

No comments:

Post a Comment