Isa marahil sa tipikal na katangian ng tahanang Pilipino ay ang pagkakaroon ng videoke system dahil bukod sa matipid at mabisang pampalipas oras, likas na hilig nating mga Pilipino ang pagkanta. Nasa tono man o wala, basta’t makakalibang at makakapagbigay saya, todo tayo sa pagbirit abutin man ng umaga.
Dito
sa BRP Alcaraz, isa sa naging pampalipas oras ng mga tauhan nito ay ang
videoke. Sa tuwing naglalayag ang barko, pinapahintulutan ng commanding officer
na magvideoke ang mga tao bago o pagkatapos ng kanilang duty. At dahil
magdamagan ang paglalayag ng barko, 24 oras ding bukas ang videoke na pinagpapalitan-palitan
ng mga tauhan ng barko.
Naging
mabisang paraan ito upang malibang ang mga tao sa haba ng biyahe sa dagat at pampaalis
hilo na rin kapag binabayo ng malalaking alon ang barko.
No comments:
Post a Comment