Tuesday, July 2, 2013

BRP Ramon Alcaraz nasa San Diego na

Mula sa dating homeport nito sa Charleston, South Carolina, naglayag ang BRP Ramon Alcaraz (PF16) at ngayon ay nasa Naval Base San Diego, California upang mag-refuel, rewater at magsagawa ng open ship para sa mga Filipino community doon bago ito magpatuloy sa paglalayag patungo sa Pilipinas.

Mula San Diego, California, baybayin ng barko ang dagat Pasipiko patungo naman ng Hawaii at Guam bago tuluyang makarating sa Pilipinas. Bubuksan din ang barko para sa mga Flipino community sa Hawaii at Guam.

Isa sa mahalagang kaganapan ng barko sa San Diego sa pamamagitan ng ating embassy ay ang paganyaya at pagbibigay ng importansya sa pamilya ni Commo. Ramon Alcaraz bilang pagkilala sa kanyang kabayanihan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at bilang pagbibigay karangalan sa pagpapangalan ng BRP Alcaraz.

Ang pagkakaroon ng BRP Alcaraz na isang high endurance cutter ay isa lamang panimula sa mas malawak na modernisasyon ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at ito’y magsisilbing paraan upang maiangat ang patriyotismo at mapagbuklod tayong lahat tungo sa iisang hangaring makamit ang ganap na kaunlaran ng ating bansa.

Ang pagbili ng BRP Alcaraz (dating USS Dallas) ay bahagi ng narebisa at pinalawak na AFP modernization at capability upgrade program na pinirmahan upang maisabatas ni Pangulong Aquino noong nakaraang taon. 

1 comment:

  1. Salamat BRP Ramon Alcaraz sa inyong pagsisikap at dedikasyon para iangat ang kaantasan ng ating hukbong dagat at maghanda para sa mga susunod na hamon sa West Philippine Sea.

    ReplyDelete