Magkahalong
emosyon ang naramdaman ng mga tauhan ng BRP Ramon Alcaraz (PF16) habang
kinakawayan sila ng mga Filipino-Americans sa isang send-off ceremony sa Pier 2
ng Naval Base San Diego, San Diego, California, USA umaga ng July 5, 2013.
Ang
seremonya ay pinangunahan ni, Deputy Consul General Daniel R. Espiritu ng
Philippine Consulate General’s Office na nakabase sa Los Angeles. “We are very
happy na kahit papa’no we were able to acquire another vessel and this will be
a big help to the modernization of our armed forces,” pahayag ni Espiritu
“We,
the Filipino communities especially here in San Diego, are very proud of the
new ship of the Philippine Navy. We have around 200 thousand Filipinos here and
a sizeable portion of that is in the US Navy,” dagdag pa niya.
Naging
makapanindig balahibo rin ang send off nang pagtutugin sa PA system ng Naval
base ang Pambansang awit ng Pilipinas habang nasa sea detail stations ang mga
tauhan ng naturang barko. Ito ay hudyat ng paglisan ng barko sa pantalan at bilang pagbibigay pugay sa ating bandila.
Makasaysayan
ang paglagi ng BRP Alcaraz sa San Diego dahil sa pagbisita ng mismong asawa at
mga anak ng yumaong Commodore Ramon Alcaraz isang araw bago ang send off kung saan
binigyan ng pagkilala ang kabayanihan ni Alcaraz.
Si
Alcaraz ay naging commanding officer ng Q-boat noong WWII at itinuturing na
bayani dahil sa pagpapabagsak nila sa tatlong eroplano ng Hapon. Kalaunan siya
ay dinakip at ikinulong sa Malolos kung saan ipinamalas niya ang kanyang
malasakit sa mga kapwa niya Prisoners of War (POW) nang hiranging siyang pinuno
ng mga preso.
Matatandaang
nanggaling ang naturang barko sa Charleston, South Carolina kung saan ito
inayos at kinabitan ng makabagong equipment.
Doon rin nagsanay ng lampas isang taon ang buong crew ng PF16 sa mga
navigational equipment, main propulsion, generator, at iba’t-ibang kagamitan at systems ng barko.
No comments:
Post a Comment