Tinatayang
milyun-milyong Pilipino ang nakakalat sa buong mundo. Sila ang mga itinuturing
nating bagong bayani dahil sa kanilang remittances na isa sa bumubuhay sa ating
ekonomiya. Mapamigrante man o overseas worker, kinakikitaan sila ng husay
dedikasyon, talento at sinseridad sa kanilang trabaho bukod pa sa galing nilang
makibagay at bilis na matuto ng iba’t-ibang lengwahe.
Mas
malaki man ang kinikita nila kumpara sa Pilipinas, kapalit naman nito ay labis
na lungkot at pagdadalamhati sa pagkakalayo nila sa kanilang pamilya.
Sa
Amerika, masuwerte na lang ang mga Pilipino kung kasama nila ang kanilang
pamilya. Tulad na lang ng mga Pilipinong pumasok sa US Navy nung mayroon pang
US Naval Base sa Pilipinas. Pero sa palagay n’yo ba, ganap kaya ang kanilang
kasiyahan? Sa tingin n’yo, ganap ba ang kanilang pagkaPilipino?
Sa
maikling panahon ng paglagi ng BRP Alcaraz sa San Diego Naval Base hanggang sa
pag-alis nito, naging saksi ako sa mainit na pagtanggap at suporta ng mga
Filipino community roon. Isang tipikal na ugaling Pinoy na pwede nating
maipagmalaki sa buong mundo. Kahit matagal silang nawala sa Pilipinas, nanatili
pa rin sa kanila ang malalim na malasakit sa kanilang kababayan.
Ang
mga Filipino Americans ang nagsilbing pamilya namin at ng mga tauhan ng BRP
Alcaraz sa San Diego at Charleston. Sila ang nagpupuno sa aming mga kakulangan.
Sila ang naging driver at tour guide namin at ang mga sasakyan nila ang service
namin. Mga bahay nila ang aming tambayan na puno ng pagkain, inumin at
lahat-lahat ng kaya nilang ibigay. Sa
bawa’t kuwentuhan, sa tuwing may masasambit na ninanais mong bagay, biglang
itong darating sa harapan mo tulad ng mga damit, sapatos, golf set, souvenirs,
dvd player, bike, LCD TV at marami pang iba. Nakaimpake na at bibitbitin na
lang. Nakakahiya man pero binibigay nila
ang mga ito dahil sa katuwaan na nakakita sila ng mga Pinoy sa Amerika. Mga
Pinoy na napunta lamang doon upang magsanay.
Nakakatawang
isipin na sa isang malayong lugar, tanging mga kababayan mo rin ang iyong
magiging sandigan. Minsan nakakaramdam na kami ng hiya sa sobrang pagaasikaso
nila samin pero yun talaga sila, hindi nagmamayabang bagkos tumutulong lang.
Malungkot
kami ng iniwan naming sila. Ang mga Pilipino sa Amerika na naging magulang,
kapatid at barkada namin. Nagsilbi silang inspirasyon samin na tumulong din sa
iba. Pero sa lahat ng kanilang kabutihang loob, mas tumatak sa puso’t isipan ko
ang mga binitawan nilang salita. “Huwag
kayong mahihiya samin. Pinili naming iwan ang Pilipinas at magsilbi sa US Navy.
Ito na lang ang paraan naming para mapagsilbihan din ang bayan. Kayong nasa
Philippine Navy ay mga bayani dahil kahit maliit ang suweldo n’yo ay mas pinili
n’yong manatili sa Pilipinas at magsilbi sa bayan. Ang pagtulong namin sa inyo
ay para na ring pagtulong namin sa bayan.”
No comments:
Post a Comment