Ang Paglalayag at Pakikipagsapalaran ni Ramon Alcaraz sa Pagbabago at Marangal na Paglilingkod sa Sambayanang Pilipino.
Thursday, August 8, 2013
Friday, July 26, 2013
WHO SAYS WE CAN’T: A SAILOR’S TALE OF UNQUESTIONABLE COURAGE AND DEDICATION
On our sixth day of roll-and-pitch sail
in the Pacific Ocean from Hawaii to Guam, we had written almost all the stories
about BRP Alcaraz; except of course the required daily chronicle of the ship’s
journey. I’m afraid we are losing topics but when I had a breaking dawn chat
with some of the crew while we are healing seasickness at the fantail due to
big rolling swells, I realized we still have a lot of things to write about.
What caught my attention and sealed into my imagination was the challenge the
crew received from their counterparts in the US Coast Guard.
BRP Ramon Alcaraz, formerly named
USS Dallas, is a high endurance cutter designed and previously manned by more
than 200 US crew members. With 88 Philippine Navy officers and enlisted
personnel assigned to the ship after its acquisition from the US government, I
hate to say this but the USCG personnel raised doubt if the PN sailors can
bring the ship to the Philippines, considering the moods of the Caribbean Sea
and the vastness of the Pacific Ocean. Well, I know the word doubt is a big
deal; but I can see the greatest challenge that the ship’s command team will
face. I know 88 is just a number, but the quality of these 88 sailors is three
times or even five times, and their courage and dedication is closes to
infinity.
I remember a dialogue from the
American movie “The Great Debaters,” delivered by and between the characters
Dr. James Farmer Sr. and his son James Jr. The father said “what is the
greatest weakness of a person,” and the son answered “doubt is the greatest
weakness of a person.” Surely any doubt if the PN sailors can bring Alcaraz to
the Philippines became a challenge and an underlying motivation for the crew to
accomplish the voyage mission. Even retired and active Fil-Ams in the US Navy
lamented that Filipinos can perform multi tasks so whether or not the 88
personnel off BRP Alcaraz can bring the ship to the Philippines is no longer a
concern because they know that each and every PN personnel can make a
difference.
Filipinos are fast learners. With
more than a year of training and interaction with the USGC personnel, the crew
of BRP Alcaraz is more than capable to sail the ship to Philippines. To think
that they themselves took turns in assembling the engine and in conditioning
the other machineries on board.
.
MOONLIGHT IN THE PACIFIC
With only two nights remaining, we
will be arriving Guam, the fifth and final port stop of BRP Alcaraz before she
proceed to its final leg of her voyage to the Philippines.
We have been sailing for 10 days
now. I’m not aware of the time. I just rely on my body clock. I always wake up
very early and hang out on my favorite place aboard – the fantail. For four
straight days, I have been spending the dawn in the fantail with a full view of
the stars and the moon. With great visuals of these astronomical elements, I am
sure the duty personnel at the bridge can practice celestial navigation.
Observing the position of the moon
just above the ship, I assume the time is past midnight, just like at noon time
when the sun is dead above us and our shadow is right down at our feet. If not
on my body clock, I would also think I have sleeping disorder. But it’s not.
When I check on the local time,
it’s 5 a.m. I wonder why is the moon so shining just above me yet it’s near to
sunset. Well, I guess that’s the wonder of nature.
The moonlight and starlight bring
me back to my childhood memories where I love watching the night sky, wishing
upon the stars and praying that the moon will give me powers and make me a
superhero. But that’s a childish thing. In my more than four decades of
existence, I never realize I would do that thing again. But this time, I’m
wishing for a new day of fair winds, clear skies and following seas/ I also
wish for a better future for the Philippines so our Navy
can acquire more ships and more public affairs officers can be sent to
experience what I have I have enjoying so far – the moonlight in the Pacific.
As I gaze upon the moon and the stars and imagining bright
future for my country and my family, I didn’t notice that the sun is rising and
ready to steal the limelight. The stars are all gone but the moon is still up
above. I know that in a little more time, the sun will deprive the moon her
shining glory.
Sailing in the middle of the
Pacific Ocean is not easy. One has to endure the long journey and overcome the
loneliness of being away from his family. Gazing at the moon and the stars is a
great relief from boredom. It somehow gives me strength to conquer the great
adventure of honorable service to our maritime nation. Like the sun, the lunar
energy from the moon powers up my spirit as a public affairs officer, as ship’s
rider, ad as a Navy officer.
IBA 'PAG MAY DUGONG PINOY
Tinatayang
milyun-milyong Pilipino ang nakakalat sa buong mundo. Sila ang mga itinuturing
nating bagong bayani dahil sa kanilang remittances na isa sa bumubuhay sa ating
ekonomiya. Mapamigrante man o overseas worker, kinakikitaan sila ng husay
dedikasyon, talento at sinseridad sa kanilang trabaho bukod pa sa galing nilang
makibagay at bilis na matuto ng iba’t-ibang lengwahe.
Mas
malaki man ang kinikita nila kumpara sa Pilipinas, kapalit naman nito ay labis
na kalungkutan at pagdadalamhati sa pagkakalayo nila sa kanilang pamilya.
Sa
Amerika, masuwerte na lang ang mga Pilipino kung kasama nila ang kanilang
pamilya. Tulad na lang ng mga Pilipinong pumasok sa US Navy nung mayroon pang
US Naval Base sa Pilipinas. Pero sa palagay n’yo ba, ganap kaya ang kanilang
kasiyahan? Sa tingin n’yo, ganap ba ang kanilang pagkaPilipino?
Sa
maikling panahon ng paglagi ng BRP Alcaraz sa San Diego Naval Base hanggang sa
pag-alis nito, naging saksi ako sa mainit na pagtanggap at suporta ng mga
Filipino community roon. Isang tipikal na ugaling Pinoy na pwede nating
maipagmalaki sa buong mundo. Kahit matagal silang nawala sa Pilipinas, nananatili
pa rin sa kanila ang malalim na malasakit sa kanilang kababayan.
Ang
mga Filipino Americans ang nagsilbing pamilya namin at ng mga tauhan ng BRP
Alcaraz sa San Diego at Charleston. Sila ang nagpupuno sa aming mga kakulangan.
Sila ang naging driver at tour guide namin at ang mga sasakyan nila ang service
namin. Mga bahay nila ang aming tambayan na puno ng pagkain, inumin at
lahat-lahat ng kaya nilang ibigay. Sa
bawa’t kuwentuhan, sa tuwing may masasambit na ninanais mong bagay, biglang
itong darating sa harapan mo tulad ng mga damit, sapatos, golf set, souvenirs,
dvd player, bike, LCD TV at marami pang iba. Nakaimpake na at bibitbitin na
lang. Nakakahiya man pero binibigay nila
ang mga ito dahil sa katuwaan na nakakita sila ng mga Pinoy sa Amerika. Mga
Pinoy na napunta lamang doon upang magsanay.
Nakakatawang
isipin na sa isang malayong lugar, tanging mga kababayan mo rin ang iyong
magiging sandigan. Minsan nakakaramdam na kami ng hiya sa sobrang pagaasikaso
nila samin pero yun talaga sila, hindi nagmamayabang bagkos tumutulong lang.
Malungkot
kami ng iniwan namin sila. Ang mga Pilipino sa Amerika na naging magulang, kapatid
at barkada namin. Nagsilbi silang inspirasyon samin na tumulong din sa iba.
Pero sa lahat ng kanilang kabutihang loob, mas tumatak sa puso’t isipan ko ang
mga binitawan nilang salita. “Huwag
kayong mahihiya samin. Pinili naming iwan ang Pilipinas at magsilbi sa US Navy.
Ito na lang ang paraan namin para mapagsilbihan din ang bayan. Kayong nasa
Philippine Navy ay mga bayani dahil kahit maliit ang suweldo n’yo ay mas pinili
n’yong manatili sa Pilipinas at magsilbi sa bayan. Ang pagtulong namin sa inyo ay
para na ring pagtulong namin sa bayan.”
Hanggang
makabalik kami sa Pilipinas, bitbitin ko ang mga salitang ito. Mga salitang
nagpapatatag sa’ting kultura. Tunay ngang masasabi ko na kahit sa’n tayo
magpunta at makakilala ng iba’t-ibang nasyonalidad, iba pa rin makasama ang mga
kababayan natin, iba pa rin pag may dugong Pinoy.
LIPAD SA TAKIPSILIM
Matapos ang 40 araw at 40
gabing unos, bagyo at bahang nagwasak sa sangkatauhan, pinalipad ni Noah ang
isang ibon upang makakita ng kahit anung tanda ng kalupaan. Nagbalik ang ibon
na may kagat na dahon. Ibig sabihin, humupa na ang baha at mayroon ng kalupaan.
Siyempre, di naman nasabi sa Bibliya kung gano kalayo ang nilakbay ng ibon kung kaya’t pananampalataya
na lang ang hawak ko upang paniwalaan ang kuwento.
Palaisipan pa rin sakin ang isang tagpo sa BRP Alcaraz
habang naglalayag ito sa Dagat Pasipiko patungong Guam. Ninais kong masilayan
ang takipsilim, nagtungo ako sa hulihang bahagi ng barko upang makalanghap
naman ng hangin mula sa madilim at airconditioned naming tulugan na ang tawag
ay “cabin.”
Habang minamasdan ko ang paglubong ng araw, dalawang
ibon ang namataan kong lumilipad kasabay sa galaw ng barko. Labis ang
pagkamangha ko. Naisip ko ang kuwento sa Bibliya. Kung mayroong ibong lumilipad
sa gitna ng Dagat Pasipiko, mayroon din kayang lupa na malapit sa kinaroroon ng
barko. Pero wala akong makitang kalupaan. Tinignan ko ang nautical chart pero
wala akong makitang kalupaang malapit sa barko. Inisip ko na kung galing pa ang
mga ibon sa Hawaii, sobrang layo na ang kanilang nilakbay upang masundan nila
kami. Pang apat na araw na namin noon sa paglalayag at ni isang barko ay wala
kaming nasalubong o natanaw man lang.
Marahil dumapo ang mga ibon sa BRP Alcaraz at lumipad
lamang nung kami’y naglalayag na. Sa kinatatayuan ko na nakaharap sa Kanluran
kung saan palubong ang araw, itim ang kulay ng mga ibon. Di ako alam kung anung
uri iyon ngunit nang lumipad sila sa gawing Silangan, may pagkaputi naman ang
kanilang kulay. Pero kahit anung uri sila at saan man sila nanggaling, masaya
ako na nakakita ako ng kasabay namin sa paglalayag. Alam kong mapapagod din
sila at magpapahinga sa matataas na istruktura ng barko pero alam ko rin na sa
susunod na mga araw, sigurado akong mayroong mga ibon na muling lilipad sa takisilim,
maghahanap ng pagkain at nagpapalutang-lutang sa hangin upang masasaksihan ang
paglubong ng araw at pagsulpot ng mga bituin at ng bagong buwan sa kalangitan –
katotohanan sa likod kapangyarihan ng kalikasan.
BRP ALCARAZ ARRIVES IN NAVAL BASE GUAM
NAVAL BASE GUAM. Led by Consul General Bayani V.
Mangibin and the Naval Base Commander Capt. Mike Ward, the Filipino-American
community here tendered a warm welcome to the officers and crew of BRP Alcaraz
upon their arrival at Pier X of the base at 9 a.m. July 27, 2013.
After a quick formation of troops at the dock and short
remarks from the Consul General and the Base Commander, the Fil-Ams gave each
crew member lei made from tiny shells. “Being the consul general, I consider
this as a monument of friendship between the Philippines and US. And, it came
at the same time that we really need such platforms back home in safeguarding
our territorial waters,” Consul Mangibin said in an interview.
He added that for every three Guamanians you meet, one of
them will definitely have a Filipino heritage. The Filipino ancestry here
constitutes a huge percentage of the population in the Island. It is a source
of pride for us and we are proud and honored.
Meanwhile, Capt. Ward also expressed his positive reception
of the Filipino sailors. “It is wonderful to have BRP Alcaraz here in the base
in Guam, which is always a stopping port for different ships from different
Navies all over the world, and BRP Alcaraz is an example to that. It is good to
foster partnerships and camaraderie with other allied navies,” said Capt. Ward
The arrival ceremony was followed by a Command briefing at
the ship’s wardroom. Thence, a short tour at the bridge and mess deck pursued.
The Filipino Community also hosted a lunch for the crew of
BRP Alcaraz at Leo Palace Resort in the Mangilao area. It was the chance where
the sailors and Fil-Ams got to know each other personally and had a good
conversation.
“I am very proud that there is a
new acquisition in the Philippine Navy. It is a good signal for the
modernization of the Armed Forces of the Philippines. This ship obviously has
the technology and system that is essential in the advancement of our Navy. We
should be proud that our government is showing great steps in really organizing
the AFP. This ship will help us in so many things such as in disaster
situations as well as in the protection of our maritime territory and the
country in general.” Deputy Consul Edgar Tomas Auxilian said during
conversations.
Guam is the fifth port call of BRP Alcaraz
before her final voyage to the Philippines. She is expected to arrive in the
country first week of August 2013.
Sunday, July 14, 2013
Hawaii Fil-Am community welcomes BRP Alcaraz
HONOLULU, HI - Commander of Joint Base Hickam Pearl Harbor
here, Capt. Jesse James along with Col. Restituto Padilla, AFP Liaison to US
PACOM, led a crowd of Filipino-American navy personnel and civilians in giving
a warm welcome to the officers and crew of BRP Alcaraz when the ship arrived in
Pier Bravo 26 July 12, 2013 early morning.
Capt. James and Col. Padilla and the rest of the
welcome party gathered early to formally welcome the crew of BRP Alcaraz in a
simple ceremony at Pier Bravo 26. “I love the Philippines. I love having
Filipinos here. I hope they’ll have a good time,” said Capt. James.
Consequent to the ceremony,
a briefing on the base regulations was conducted to the Philippine Navy
sailors. Thence, an emotional meet and greet with the Filipino-Americans came
about to build up Filipino solidarity and nationalism.
The whole day is bursting
with activities for the ship’s crew. Aside from hauling of food provisions,
re-watering, and other admin and logistics activities, the ship’s command team
is scheduled to pay a courtesy call to Rear Adm. Williams, the Commander of
Navy Region Hawaii.
The ship will also be open
for public while in the evening, there will be a potluck party organized by the
Filipino-American community, which is expected to be filled with fun, music and
various entertainment.
Ang Videoke na bukas 24 Oras
Isa marahil sa tipikal na katangian ng tahanang Pilipino ay ang pagkakaroon ng videoke system dahil bukod sa matipid at mabisang pampalipas oras, likas na hilig nating mga Pilipino ang pagkanta. Nasa tono man o wala, basta’t makakalibang at makakapagbigay saya, todo tayo sa pagbirit abutin man ng umaga.
Dito
sa BRP Alcaraz, isa sa naging pampalipas oras ng mga tauhan nito ay ang
videoke. Sa tuwing naglalayag ang barko, pinapahintulutan ng commanding officer
na magvideoke ang mga tao bago o pagkatapos ng kanilang duty. At dahil
magdamagan ang paglalayag ng barko, 24 oras ding bukas ang videoke na pinagpapalitan-palitan
ng mga tauhan ng barko.
Naging
mabisang paraan ito upang malibang ang mga tao sa haba ng biyahe sa dagat at pampaalis
hilo na rin kapag binabayo ng malalaking alon ang barko.
Iba 'pag may dugong Pinoy
Tinatayang
milyun-milyong Pilipino ang nakakalat sa buong mundo. Sila ang mga itinuturing
nating bagong bayani dahil sa kanilang remittances na isa sa bumubuhay sa ating
ekonomiya. Mapamigrante man o overseas worker, kinakikitaan sila ng husay
dedikasyon, talento at sinseridad sa kanilang trabaho bukod pa sa galing nilang
makibagay at bilis na matuto ng iba’t-ibang lengwahe.
Mas
malaki man ang kinikita nila kumpara sa Pilipinas, kapalit naman nito ay labis
na lungkot at pagdadalamhati sa pagkakalayo nila sa kanilang pamilya.
Sa
Amerika, masuwerte na lang ang mga Pilipino kung kasama nila ang kanilang
pamilya. Tulad na lang ng mga Pilipinong pumasok sa US Navy nung mayroon pang
US Naval Base sa Pilipinas. Pero sa palagay n’yo ba, ganap kaya ang kanilang
kasiyahan? Sa tingin n’yo, ganap ba ang kanilang pagkaPilipino?
Sa
maikling panahon ng paglagi ng BRP Alcaraz sa San Diego Naval Base hanggang sa
pag-alis nito, naging saksi ako sa mainit na pagtanggap at suporta ng mga
Filipino community roon. Isang tipikal na ugaling Pinoy na pwede nating
maipagmalaki sa buong mundo. Kahit matagal silang nawala sa Pilipinas, nanatili
pa rin sa kanila ang malalim na malasakit sa kanilang kababayan.
Ang
mga Filipino Americans ang nagsilbing pamilya namin at ng mga tauhan ng BRP
Alcaraz sa San Diego at Charleston. Sila ang nagpupuno sa aming mga kakulangan.
Sila ang naging driver at tour guide namin at ang mga sasakyan nila ang service
namin. Mga bahay nila ang aming tambayan na puno ng pagkain, inumin at
lahat-lahat ng kaya nilang ibigay. Sa
bawa’t kuwentuhan, sa tuwing may masasambit na ninanais mong bagay, biglang
itong darating sa harapan mo tulad ng mga damit, sapatos, golf set, souvenirs,
dvd player, bike, LCD TV at marami pang iba. Nakaimpake na at bibitbitin na
lang. Nakakahiya man pero binibigay nila
ang mga ito dahil sa katuwaan na nakakita sila ng mga Pinoy sa Amerika. Mga
Pinoy na napunta lamang doon upang magsanay.
Nakakatawang
isipin na sa isang malayong lugar, tanging mga kababayan mo rin ang iyong
magiging sandigan. Minsan nakakaramdam na kami ng hiya sa sobrang pagaasikaso
nila samin pero yun talaga sila, hindi nagmamayabang bagkos tumutulong lang.
Malungkot
kami ng iniwan naming sila. Ang mga Pilipino sa Amerika na naging magulang,
kapatid at barkada namin. Nagsilbi silang inspirasyon samin na tumulong din sa
iba. Pero sa lahat ng kanilang kabutihang loob, mas tumatak sa puso’t isipan ko
ang mga binitawan nilang salita. “Huwag
kayong mahihiya samin. Pinili naming iwan ang Pilipinas at magsilbi sa US Navy.
Ito na lang ang paraan naming para mapagsilbihan din ang bayan. Kayong nasa
Philippine Navy ay mga bayani dahil kahit maliit ang suweldo n’yo ay mas pinili
n’yong manatili sa Pilipinas at magsilbi sa bayan. Ang pagtulong namin sa inyo
ay para na ring pagtulong namin sa bayan.”
Dances with waves: a lookout perspective
Filipino mariners are
regarded in the international maritime industry as world class. It is believed
that for every international commercial vessel, there is at least one Filipino
serving as crew. In fact, many Filipinos are either captains or chief engineers
of various types of vessels owned by international shipping companies.
A lot of Filipino
Americans are also serving in the US Navy. Many of them are crew members of US
Navy ships deployed throughout the world. They are hardworking and very
efficient in their respective duties aboardship.
The Philippine Navy
sailors are equally world class. Though they operate local Navy vessels, the
training and discipline they acquire are patterned and has no difference with
that of their US counterparts. Their sacrifices cannot be underrated because
they work away from their families under various circumstances and sailing on
different sea conditions.
Being a sailor is not
just required by the naval profession but also a personal commitment of serving
the country through maritime surveillance and coastal patrols to ensure that
our territorial boundaries are protected from illegal activities and intrusion.
They also work beyond their normal call of duty with utmost dedication.
Serving as pioneer
crew of BRP Ramon Alcaraz (PF16) is a unique experience. It is also a
breath-taking adventure having struggled the rough seas of the Caribbean,
crossed the Panama Canal and pushed forward by the waters of Costa Rica and
Mexico along the Pacific Ocean.
Many stories have
been or would be told about BRP Alcaraz’s commanding officer, executive officer, engineer, gunnery personnel and
other crew but never an experience of a port (left) and starboard (right)
lookouts. The ship’s lookouts are personnel responsible to watch for dangers such as shallow water, crossing ships,
floating containers and other circumstances that may cause trouble to the ship.
While sailing from
San Diego to Hawaii, Seaman 2nd Class Gilbert Belao acts as a
lookout. While it is seldom appreciated, Belao contributes to the safety of the
ship. He is exposed to the sun at daytime and to cold winds and sometimes rain
at night time.
The daytime duty is
easier. Even on his naked eye, he can see objects dead ahead of the ship. The
agony is during night time, darkness overfilled his senses. He must never fail.
The curiosity on blue waters excites him. The sound of the waves as it splashes
to the keel of the ship. The sight of the stars on a clear night sky also seems
enjoyable but the focus must be on any object that the ship may encounter.
But the environment
condition is not always favorable. He recalls a zero-visibility situation. His
anxiousness is exacerbated by the heavy rain fall, extreme waves and chilling
winds. He pushed himself to see anything on the binocular, and double check it
with his own eyes. He tightly holds his binocular while the ship’s bow moves up
and down. He literally dances with waves.
After a few hours of
struggle, he is ready to relay to the next duty lookout the prevailing
situation, especially if there is a ship, land formation or shallow water along
the route of the ship.
BRP Alcaraz nagsend-off sa San Diego
Magkahalong
emosyon ang naramdaman ng mga tauhan ng BRP Ramon Alcaraz (PF16) habang
kinakawayan sila ng mga Filipino-Americans sa isang send-off ceremony sa Pier 2
ng Naval Base San Diego, San Diego, California, USA umaga ng July 5, 2013.
Ang
seremonya ay pinangunahan ni, Deputy Consul General Daniel R. Espiritu ng
Philippine Consulate General’s Office na nakabase sa Los Angeles. “We are very
happy na kahit papa’no we were able to acquire another vessel and this will be
a big help to the modernization of our armed forces,” pahayag ni Espiritu
“We,
the Filipino communities especially here in San Diego, are very proud of the
new ship of the Philippine Navy. We have around 200 thousand Filipinos here and
a sizeable portion of that is in the US Navy,” dagdag pa niya.
Naging
makapanindig balahibo rin ang send off nang pagtutugin sa PA system ng Naval
base ang Pambansang awit ng Pilipinas habang nasa sea detail stations ang mga
tauhan ng naturang barko. Ito ay hudyat ng paglisan ng barko sa pantalan at bilang pagbibigay pugay sa ating bandila.
Makasaysayan
ang paglagi ng BRP Alcaraz sa San Diego dahil sa pagbisita ng mismong asawa at
mga anak ng yumaong Commodore Ramon Alcaraz isang araw bago ang send off kung saan
binigyan ng pagkilala ang kabayanihan ni Alcaraz.
Si
Alcaraz ay naging commanding officer ng Q-boat noong WWII at itinuturing na
bayani dahil sa pagpapabagsak nila sa tatlong eroplano ng Hapon. Kalaunan siya
ay dinakip at ikinulong sa Malolos kung saan ipinamalas niya ang kanyang
malasakit sa mga kapwa niya Prisoners of War (POW) nang hiranging siyang pinuno
ng mga preso.
Matatandaang
nanggaling ang naturang barko sa Charleston, South Carolina kung saan ito
inayos at kinabitan ng makabagong equipment.
Doon rin nagsanay ng lampas isang taon ang buong crew ng PF16 sa mga
navigational equipment, main propulsion, generator, at iba’t-ibang kagamitan at systems ng barko.
Public Affairs Team ng Philippine Navy, nakasakay na ng BRP Alcaraz
Umaga na ng July 5, 2013 nang makarating sa BRP Alcaraz na nakatali sa Pier 2 ng Naval Base San Diego ang Public Affairs Team ng Philippine Navy na kasamang maglalakbay patungo ng Pilipinas..
Ang PA Team ay kinabibilangan ni Cdr Gilbert Pacio, Lt Marineth Riano PN at Ltjg Errol Dela Cruz. Sila ang pinadala ng Navy na magdodokumento sa paglalayag ng naturang barko mula San Diego hanggang Hawaii, Hawaii papuntang Guam at Guam patungo ng Subic sa Pilipinas.
Lumipad ang team mula Manila hanggang Los Angeles at nagbiyahe naman papunta San Diego.
Tuesday, July 2, 2013
BRP Ramon Alcaraz nasa San Diego na
Mula sa dating
homeport nito sa Charleston, South Carolina, naglayag ang BRP Ramon Alcaraz
(PF16) at ngayon ay nasa Naval Base San Diego, California upang mag-refuel, rewater
at magsagawa ng open ship para sa mga Filipino community doon bago ito
magpatuloy sa paglalayag patungo sa Pilipinas.
Mula San
Diego, California, baybayin ng barko ang dagat Pasipiko patungo naman ng Hawaii
at Guam bago tuluyang makarating sa Pilipinas. Bubuksan din ang barko para sa
mga Flipino community sa Hawaii at Guam.
Isa sa
mahalagang kaganapan ng barko sa San Diego sa pamamagitan ng ating embassy ay
ang paganyaya at pagbibigay ng importansya sa pamilya ni Commo. Ramon Alcaraz
bilang pagkilala sa kanyang kabayanihan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at
bilang pagbibigay karangalan sa pagpapangalan ng BRP Alcaraz.
Ang pagkakaroon
ng BRP Alcaraz na isang high endurance cutter ay isa lamang panimula sa mas
malawak na modernisasyon ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at ito’y
magsisilbing paraan upang maiangat ang patriyotismo at mapagbuklod tayong lahat
tungo sa iisang hangaring makamit ang ganap na kaunlaran ng ating bansa.
Monday, June 24, 2013
Sunday, June 16, 2013
Mga Mandaragat at Mandirigma ng Hukbong Dagat
Ang mga mandaragat at
mandirigma ng Hukbong Dagat ng Pilipinas ay nakaantabay 24 oras. Wala silang
weekend, walang holiday. Anumang oras, may bagyo man, sakuna, kalamidad,
kaguluhan o nasa gitna man ng kasiyahan, wala silang takot na sasabak sa
kanilang misyon dahil ito’y kanilang sinumpaan. Mahal man nila ang kanilang
pamilya, minsan pangalawang prayoridad lamang ito dahil mas nananaig sa kanila
ang tawag ng katungkulan. Lagi silang umaalalay sa inyo sa panahon man ng
kapayapaan, kaguluhan, kalamidad at kahit sa kasiyahan. Sa kakapiranggot nilang
suweldo, buhay nila ang nakasalalay. Sumusuweldo man sila mula sa inyong mga
binabayad na buwis, sinusuklian naman nila ito ng kanilang buhay. Naghahari sa
kanilang puso ang paglilingkod sa mamamayan. Minsan iniuugnay sila sa
katiwalian pero patuloy lamang silang nagseserbisyo para sa bayan. Anumang
paninira ang ipukol sa kanila, di matitinag ang kanilang katapatan sa watawat
at konstitusyon dahil ang kanilang dignidad ay hinubog ng panahon at makulay na
tradisyong pinagtibay ng kanilang mahabang pagsasanay, paniniwala sa Diyos at
ng pagtitiwala ng mga mamamayan. /Manny Fernando
Ikalawang High Endurance Cutter ng Pinas, Parating Na
Matapos ang higit isang taong pagsasakumpuni ng mga kasangkapan at mga superstructure ng Barko ng Repubika ng Pilipinas (BRP) Ramon Alcaraz (PF16) na dating USS Dallas, kasalukuyan na itong naglalayag patungo ng Pilipinas upang maging karagdagang barkong pandigma ng Philippine Navy ayon na rin sa modernisasyon ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Matatandaang dumating din sa Pilipinas noong 2011 ang BRP Gegorio Del Pilar (PF15) na kaparehong high endurance cutter class ng BRP Alcaraz (PF16). Ang dalawang barko ay ilan lamang sa mga naval assets na naaprubahang bilhin ng Pilipinas para sa modernisasyon ng ating Hukbong Dagat.
"Halos isang daang opisyal at mga tauhan nito ang nagsanay sa US upang mapagyaman ang kanilang kakayanan sa iba't-ibang navigational at war-fighting equipment ng barko," sabi ni Capt. Baldovino, commanding officer ng PF16.
Matatandaang dumating din sa Pilipinas noong 2011 ang BRP Gegorio Del Pilar (PF15) na kaparehong high endurance cutter class ng BRP Alcaraz (PF16). Ang dalawang barko ay ilan lamang sa mga naval assets na naaprubahang bilhin ng Pilipinas para sa modernisasyon ng ating Hukbong Dagat.
Subscribe to:
Posts (Atom)